Booker t washington childhood
Where was booker t washington born
Booker t washington family.
Booker T. Washington
Si Booker Taliaferro Washington (Abril 5, 1856 - Nobyembre 14, 1915) ay isang Amerikanong Aprikanong edukador at pinuno ng mga karapatang sibil.[1] Siya ay isang mahalagang tagapagtaguyod ng kahalagahan ng edukasyon sa Estados Unidos.[2] Tagapagtangkilik siya ng konserbatibong pagbabago ng lipunan.[1]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Anak si Washington ng isang negrang alipin at kusinera, kaya't siya ay ipinanganak sa pagkaalipin.[1] Pinaniniwalaang isang puting Amerikano ang kaniyang ama.
Bagaman ipinanganak siya sa Virginia, lumipat sila sa West Virginia matapos pirmahan ni Abraham Lincoln ang Proklamasyon ng Emansipasyon noong 1863. Nakapag-aral si B.T. Washington sa Institusyong Normal at Pang-agrikultura ng Hampton.
Naging guro at nagsilbi bilang kalihim siya ni Heneral Samuel Armstrong, ang prinsipal sa paaralang Hampton. Dahil kay Armstrong, naging tagapagtatag ng isang paaralan ng mga liping it